Araling Panlipunan Grade 8 – Quarter 2

Modyul 2: ANG DAIGDIG SA KLASIKAL AT TRANSISYUNAL NA PANAHON

Aralin 1:

  • Nasusuri ang kabihasnang Minoan at Mycenean.

  • Nasusuri ang kabihasnang klasikal ng Greece.
  • Naipaliliwanag ang mga mahahalagang pangyayari sa kabihasnang klasikal ng Rome. (mula sa sinaunang Rome hanggang sa tugatog at pagbagsak ng Imperyong Roman)
  • Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasikal ng Europe sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan.

Aralin 2:

  • Nasusuri ang mga kaganapan sa kabihasnang klasikal ng America.
  • Naipaliliwanag ang mga kaganapan sa mga klasikal na kabihasnan sa Africa. (Mali at Songhai)
  • Nasusuri ang kabihasnang klasikal ng pulo sa Pacific.
  • Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasikal ng America, Africa at mga Pulo sa Pacific sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan.

Aralin 3:

  • Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang Katoliko bilang isang institusyon sa Panahong Medieval.
  • Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng “Holy Roman Empire”
  • Naipaliliwanag ang mga dahilan at bunga ng mga Krusada sa Panahong Medieval.
  • Nasusuri ang buhay sa Europe noong Panahong Medieval: Manorialismo, Piyudalismo, ang pag-usbong ng mga bagong bayan at lungsod.
  • Natataya ang epekto at kontribusyon ng ilang mahahalagang pangyayari sa Europe sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan.

Aralin 1: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa Europe

Ang mga Minoans

Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula
sa Crete mga 3100 B.C.E. o Before the Common Era. Tinawag itong Kabihasnang
Minoan batay sa pangalan niHaring Minos, ang maalamat na haring sinasabing
nagtatag nito. Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang
teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo (bricks) at may sistema sila ng
pagsulat. Magagaling din silang mandaragat. Hindi nagtagal, kinilala ang Knossos
bilang isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng Crete.

Ang mga Mycenaean

Bago pa man salakayin at sakupin ng mga Mycenaean ang Crete, nasimulan na nilang paunlarin ang ilang pangunahing kabihasnan sa Timog Greece. Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean ang naging sentro ng kabihasnang Mycenaean. Ang mga lungsod dito aypinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay. Napapaligiran ng makapal na paderang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaring lumusob dito.Pagdating ng 1400 B.C.E., isa nang napakalakas na mandaragat ang mgaMycenaean at ito ay nalubos ng masakop at
magupo nila ang Crete. Naiugnay nila ang Crete sa lumalagong kabihasnan sa Greece. Maraming mga salitang Minoan ang naidagdag sa wikang Greek. Ang sining ng mga Greek ay naimpluwensiyahan ng mga istilong Minoan. Ilan sa mga alamat ng Minoan ay naisama sa mga kwento at alamat ng mga Greek.

Pamprosesong Tanong

1. Batay sa mga tekstong binasa, ano ang katangian ng kabihasnang Minoan at Mycenean?

Ang mga ito ay mga klasikal na mga sibilasyon at malaki ang kontribusyon nila sa pagkakaroon natin ng importanteng mga kagamitan sa ating panahon.

2. Ano-ano ang mga nakita mong pagkakaiba at pagkakatulad ng kabihasnang Minoan at Mycenean?

Sibilisasyong Minoan – Ang sibilisasyong ito ang may pinakamataas na antas ng kaunlaran at kultura sa Europa.

Sibilisasyong Mycenaean – Ito ang pinakaunang sibilisasyon na itinatag sa Peloponese, timog ng Athens malapit sa Corinth..-Kilala sila bilang mga Indo- European.

3. Sa iyong palagay, ano ang epekto ng nabanggit na mga kabihasnan sa pag-usbong ng kabihasnang Greek?

  • Watak watak ang lungsod
  • Mabagal ang pagpasok ng teknolohiya
  • Ilan lamang ang naitatanim o kulang sa pagkain
  • Natutung mangisda
  • Maraming magandang daungan
  • Malakas ang naging ugnayan sa mga karatig pook

Ang mga Polis

Dahil sa mga digmaan bago pa ang Panahong Hellenic, nagtayo ng mga kuta ang mga Greek sa mga lugar sa may gilid ng mga burol at sa mga taluktok ng bundok upang maprotektahan ang kanilang sarili sa pagsalakay ng iba’t ibang pangkat. Ang mga pook na ito ay naging pamayanan. Dito nagsimula ang mga lungsod-estado o polis kung saan hango ang salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya, politika at politiko.

Sparta, ang Pamayanan ng mga Mandirigma

Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus na nasa timog na bahagi ng tangway ng Greece. Sa lahat ng mga lungsod-estado, ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan. Ito ay may magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa pagsasaka.Pinalawak ng mga Spartan ang kanilang lupain sa pamamagitan ng pananakop ng mga karatig na lupang sakahan at pangangangamkam nito. Ang mga magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay dinala nila sa Sparta upang maging mga helot o tagasaka sa malawak nilang lupang sakahan. Samakatuwid, naging alipin ng mga Spartan ang mga helot.

Ang Athens at ang Pag-unlad Nito

Sa simula ng 600 B.C.E., ang Athens ay isalamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece na tinatawag na Attica. Ang buong rehiyon ay hindi angkop sa pagsasaka kaya karamihan sa mga mamamayan nito ay nagtrabaho sa mga minahan, gumawa ng mga ceramics, o naging mangangalakal o mandaragat. Hindi nanakop ng mga kolonya ang Athens.Sa halip, pinalawak nito ang kanilang teritoryo na naging dahilan upang ang iba pang nayon sa Attica ay sumali sa kanilang pamamahala.

Ang Banta ng Persia

Hangarin ng Persia na palawakin ang imperyo nito sa kanluran. Noong 546 B.C.E., sinalakay ni cyrus the Great ang Lydia sa Asia Minor. Ipinagpatuloy ni Darius I, ang nagmana ng trono ni cyrus the Great, ang hangaring ito. Noong 499 B.C.E., sinalakay niya ang mga kalapit na kolonyang Greek. Nagpadala ng tulong ang Athens ngunit natalo ang mga kolonyang Greek sa labanang pandagat sa Miletus noong 494 B.C.E. Bagamat natalo ang puwersa ng Athens, nais ni darius na parusahan ang lungsod sa ginawang pagtulong at gawin itong hakbang sa pagsakop a Greece. Bilang paghahanda sa napipintong pananalakay ng Persia, sinimulan ng Athens ang pagpapagawa ng isang plota o fleet na pandigma.

Digmaang Peloponnesian

Nais ni Pericles na manatili ang kapayapaan di lamang sa Athens kundi maging sa mga kalapit nitong mga lungsod-estado at maging sa Persia. Habang umuunlad ang Athens, lumawak din ang kanilang kapangyarihan sa kalakalan. Ito ang naging dahilan kung bakit sa panahon ng Delian League ay naging isang imperyo ang Athens. Hindi lahat ng lungsod-estado ay sumang-ayon sa ginawa ng Athens na pagkontrol sa Delian League subalit wala silang nagawa upang umalis sa alyansa. Kayat ang mga lungsod-estado na kasapi sa Delian League tulad ng Sparta, Corinth at iba pa ay nagtatag ng sarili nilang alyansa sa pamumuno ng Sparta at tinawag itong Peloponnesian League.

Ang Republikang Romano

Sang-ayon sa tradisyon, pinaalis ng mga Roman ang punong Etruscan at
nagtayo ng Republika, isang pamahalaang walang hari. Noong 509 B.C.E, namuno si Lucius Junius Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy sa mga Etruscan. Pagkatapos maitaboy ang huling haring Etruscan na si Tarquinius Superbus, itinatag ni Lucius Junius Brutus ang isang Republika. Tumagal ito mula 509 hanggang 31 B.C.E. Sa halip na pumili ng hari, naghalal ang mga Roman ng dalawang konsul na may
kapangyarihang tulad ng hari at nanungkulan sa loob lamang ng isang taon. Bawat isa ay may kapangyarihang pigilin ang pasya ng isa. Dahil sa pagkakahati ng kapangyarihan ng mga konsul, humina ang sangay tagapagpaganap. Sa oras ng kagipitan, kinakailangang pumili ng diktador na manunungkulan sa loob lamang ng anim na buwan. Nagtatamasa ang diktador ng higit na kapangyarihan kaysa mga konsul.

Tagumpay ng Plebeian Laban sa Patrician.

Ayon sa kasaysayan, nagsimulang maghimagsik ang mga plebeian noong 494 B.C.E. upang magkamit ng pantay na karapatan. Nagmartsa sila sa buong Rome at lumikas sa kalapit na lugar na tinaguriang Banal na Bundok. Doon sila nagbalakmagtayo ng sariling lungsod. Sa takot ng mga patrician na mawalan ng mga manggagawa, sinuyo nila ang mga plebeian upang itigil ang kanilang balak sa pamamagitan ng pagpapatawad sa dati
nilang utang; pagpapalaya sa mga naging alipin nangg dahil sa pagkakautang; at ang paghahalal ng mga plebeian ng dalawang mahistrado o tribune na magtatanggol ng kanilang karapatan.

Paglaganap ng Kapangyarihan ng Rome

Lumaganap ang kapangyarihan ng Rome sa buong Italy matapos ang sunod-sunod na digmaan mula pa noong 490 B.C.E. Nasakop ang mga Latino, mga Etruscan at iba pang pangkat tulad ng Hernici, Volscian, Sabine at Samnite. Matapos masakop ang gitnang Italy, isinunod ang lungsod-estado ng Greece sa timog. Naganap ang unang sagupaan ng Rome at Greece sa Heraclea, Italy noong 280 B.C.E. Nagwagi Ang Greece dahil tinulungan si Haring Pyrrhus ng Espirus ng kaniyang pinsang si Alexander the Great at dahil din sa paggamit ng mga elepanteng kinatatakutan ng mga mandirigmang Romano. Bagamat nagtagumpay si Haring Pyrrus, marami sa kaniyang tauhan ang nalipol, kung kaya sa ngayon, ang isang napakamahal na tagumpay ay tinaguriang Pyrric Victory. Hindi nagtagal, nagapi si Haring Pyrrhus noong 275 B.C.E sa Beneventum, Italy. Rome ang naging reyna ng peninsula ng Italy.

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_32.jpg

Kabihasnang Roman

Batas

Ang mga Roman ay kinikilala bilang pinakadakilang mambabatas ng sinaunang panahon. Ang kahalagahan ng Twelve Tables ay ang katotohanan na wala itong tinatanging uri ng lipunan. Ito ay batas para sa lahat, patrician o plebeian man. Ito ang
ginamit upang alamin ang mga krimen at tantiyahin ang kaukulang parusa. Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga mamamayan at ang pamamaraan ayon sa batas.

Panitikan

Ang panitikan ng Rome ay nagsimula noong kalagitnaan ng ikatlong siglo B.C.E. Subalit ang mga ito ay salin lamang ng mga tula at dula ng Greece. Ang halimbawa ay si Livius Andronicus na nagsalin ng Odyssey sa Latin. Si Marcus Palutus at Terence ay ang mga unang manunulat ng comedy. Ang iba pang manunulat ay sina Lucretius at Catullus. Si Cicero naman ay isang manunulat at orador na nagpahalaga sa batas. Ayon sa kanya, ang batas ay hindi dapat maimpluwensiyahan ng kapangyarihan o sirain ng pera kailanman.

Inhenyeriya

Ipinakita ng mga Roman ang kanilang galing sa inhenyeriya. Nagtayo sila ng mga daan at tulay upang pag-ugnayin ang buong imperyo kabilang ang malalayong lugar. Marami sa mga daan na ginawa nila noon ay ginagamit pa hanggang ngayon. Isang halimbawa ang Appian Way na nag-uugnay sa Rome at timog Italy. Gumawa rin sila ng mga aqueduct upang dalhin ang tubig sa lungsod.

Mga Pagbabagong Dulot ng Paglawak ng Kapangyarihang Roman

Habang patuloy ang pagkakasangkot ng Rome sa mga usaping panlabas, dinagdagan ng Senate ang kapangyarihan at katanyagan nito sa pamamagitan ng pangangasiwa ng mga kasunduan. Bagama’t ang pagpapatibay ng mga tratado at deklarasyon ng digmaan ay dapat na isinasangguni sa Assembly, ang lupong ito ay nagsisilbing tagapagpatibay lamang ng nais ng Senate. Ang monopoly ng kapangyarihan ng Senate ang nagpalala sa katiwalian sa pamahalaan. Madalas na gamitin ng mga opisyal na ipinapadala sa mga lalawigan ang kanilang katungkulan upang magpayaman. Ang mga pagkakataon sa katiwalian ay lumalaki dulot ng mga kapaki-pakinabang na kontrata para sa kagamitan ng hukbo.

Augustus: Unang Roman Emperor

Bago mamatay si Caesar, ginawa niyang tagapagmana ang kanyang apo sa pamangkin na si Octavian. Noong 43 B.C.E, kasama sina Mark Antony at Marcus Lepidus, binuo ni Octavian ang Second Triumvirate upang ibalik ang kaayusan sa Rome. Ito ay dahil binalot ng kaguluhan ang Rome mula nang mamatay si Caesar. Sa pagkakabuo ng Second Triumvirate, tinalo nila ang hukbo nina Brutus at Cassius.

Mga Emperador Pagkatapos ni Augustus

Namatay si Augustus noong 14 C.E. Ang Titulong imperator o emperador ay iginawad ng Senate kay Tiberius napinili ni Augustus na humalili sa kanya. Mula sa pag-upo ni Tiberius bilang emperador hanggang sa katapusan ng imperyo noong 476 C.E., ang Rome ay nagkaroon ng iba’tibang uri ng emperador.

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_33ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_34


Aralin 2: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific

Mga Kabihasnan sa Mesoamerica

Habang umuunlad at nagiging makapangyarihan ang mga Sinaunang Kabihasnan sa Mesopotamia, India, at China, nagsisimula naman ang mga mamamayan sa Mesoamerica na magsaka. Ang maliliit na pamayanang agrikultural na ito ay nabuo sa Gitna at Timog na bahagi ng Mesoamerica. Nang lumaon, naging makapangyarihan ang ibang pamayanan at nakapagtatag ng lungsod-estado. Ang mga bumuo ng lungsod-estado ay nakapagtatag ng sarili nilang kabihasnan. Ilan dito ay ang kabihasnang Olmec at Zapotec na tinalakay sa nakaraang Modyul. Sumunod na nakilala sa Mesoamerica ang Kabihasnang Maya at Aztec. Naging maunlad rin ang Kabihasnang Inca sa Timog America. Katulad ng kabihasnang Greece, at Rome, ang pagiging maunlad at makapangyarihan ay nagtulak sa mga kabihasnan sa Mesoamerica at Timog America na manakop ng lupain at magtayo ng imperyo. Malawak ang naging impluwensiya ng mga Maya, Aztec, at Inca kung kaya’t itinuturing ang mga ito na Kabihasnang Klasikal sa America.

Kabihasnang Maya (250 C.E. – 900 C.E.)

Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala. Nabuo rito ang mga pamayanang lungsod ng Maya tulad ng Uaxactun, Tikal, El Mirador, at Copan. Nakamit ng Maya ang rurok ng kaniyang kabihasnan sa pagitan ng 300 C.E. at 700 C.E.

Pamprosesong Tanong

1. Ano-ano ang salik na nagbigay-daan sa paglakas ng Imperyong Aztec?

  • Magaling na pinuno
  • Malakas na sandatahan

2. Paano napakinabangan ng mga Aztec ang mga lupain na kanilang sinakop?

Napakinabangan ng mga aztec ang mga lupain na kanilang nasakop sa pamamagitan ng pagtanim nila sa kanilang mga produkto sa mga nasasakupan nilang lupain.

3. Bakit madaling nakontrol ng mga Aztec ang iba pang karatig na lungsod-estado?

Madaling nakontrol ng mga Aztecs ang mga karatig-lungsod nitosa dahil sa estratehikong posisyon nito. Maliban rito, nakipagkampihan ito sa ibang grupo tulad ng mga Tepanec upang masakop ang iba pang grupo gaya ng Chichimec at Toltec. Pagkalaon ay sinakop rin ng mga Aztec ang mga dating kaalyado nito na siyang nagbigay daan sa pamamayagpag ng Imperyong Aztec.

Heograpiya ng South America

May magkakaibang klima at heograpiya ang South America kung ihahambing sa Mesoamerica. Matatagpuan sa hilaga ng Amazon River na dumadaloy sa mayayabong na kagubatan. Pawang ang mga prairie at steppe naman ang matatagpuan sa Andes Mountains sa timog na bahagi. Samantala, tuyot na mga disyerto ang nasa kanlurang gulod ng mga bundok na kahilera ng Pacific Ocean. Dahil sa higit na kaaya-aya ang topograpiya ng Andes, dito nabuo ang mga unang pamayanan. May mga indikasyon ng pagsasaka gamit ang patubig sa hilagang gilid ng Andes noong 2000 B.C.E. Sa pagsapit ng ika-11 siglo B.C.E, maraming pamayanan sa gitnang Andes ang naging sentrong panrelihiyon. Ang mga pamayanang ito ay umusbong sa kasalukuyang Peru, Bolivia, at Ecuador. Nang lumaon, nagawang masakop ng ilang malalaking estado ang kanilang mga karatig-lugar. Subalit sa kabila nito, wala ni isa man ang nangibabaw sa lupain.

Kabihasnang Inca (1200-1521)

Noong ika-12 siglo, isang pangkat ng mga taong naninirahan sa hilagang-kanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa matabang lupain ng Lambak ng Cuzco. Sa pamumuno ni Manco Capac, bumuo sila ng maliliit na lungsod-estado. Ang salitang Inca ay nagangahulugang “imperyo.” Hango ito sa pangalan ng pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na nanirahan sa Andes. Unti-unting pinalawig ng mga Inca ang kanilang teritoryo hanggang sa masakop nito ang 3,220 kilometro kuwadrado sa kahabaan ng baybayin ng Pacific. Saklaw ng imperyong ito ang kasalukuyang lupain ng Peru, Ecuador, Bolivia, at Argentina. Noong 1438, pinatatag ni Cusi Inca Yupagqui o Pachakuti ang lipunang Inca sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sentralisadong estado. Sa ilalim ni Topa Yupanqui (1471-1493), pinalawig niya ang imperyo hanggang hilagang Argentina, bahagi ng Bolivia, at Chile. Napasailalim din sa kaniyang kapangyarihan ang estado ng Chimor o Chimu na pinakamatinding katunggali ng mga Inca sa baybayin ng Peru. Sa ilalim naman ni Huayna Capac, nasakop ng imperyo ang Ecuador.

Heograpiya ng Africa

Mahalaga ang papel ng heorapiya kung bakit ang Africa ang huling pinasok at huling nahati-hati ng mga Kanluraning bansa. Tinawag ito ng mga Kanluranin na dark continent dahil hindi nila ito nagalugad kaagad. Nanatiling limitado ang kaalaman ng mga bansang Kanluranin tungkol sa kontinenteng ito hanggang noong ika-19 na siglo.

Ang Kalakalang Trans-Sahara

Noong 3000 B.C.E., isang masaganang kalakalan ang umunlad sa pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan, ang rehiyon sa timog ng Sahara. Tinawag na Trans-Sahara ang kalakalang naganap dito. Ang kalakalang Trans-Sahara ay tumagal hanggang ika-16 na siglo. Tinawag itong kalakalang Trans-Sahara dahil tinawid ng mga nomadikong mangangalakal ang Sahara sa pamamagitan ng caravan, dala-dala ang iba’t ibang uri ng kalakal. Kamelyo ang kadalasang gamit sa mga caravan. Ang caravan ay pangkat ng mga taong magkakasamang naglalakbay. Ang mga mangangalakal mula sa Carthage ay pumupunta sa Sahara upang mamili ng mga hayop tulad ng unggoy, leon, elepante, at mga mamahaling hiyas. Sinasabi na ang mga elepante na ginamit ni Hannibal sa Digmaang Punic laban sa Rome ay nanggaling sa Kanlurang Africa. Iba’t ibang grupo ng mga tao ang nagtayo ng mga pamayanan sa mga lugar na dinaraanan ng kalakalan.

Pamprosesong Tanong

1. Alin sa mga nabanggit navegetation ang may pinakamalawak na saklaw?

Ang kontibusyon ng kabihasnang Pacific ang may pinakamalawak na epekto sa pamumuhay ng mga Pilipino dahil ang mga pulo o arkipelago ng nabanggit na bansa ay sakop ng Pasipiko.

2. Bakit tinawag na Trans-Sahara ang kalakalan sa pagitan ng Carthage at Sudan?

Dahil sa sahara nagaganap ang kalakalan.

3. Saang mga lugar maaaring umusbong ang kabihasnan o imperyo? Bakit?

Sa lugar kung saan may malapit na ilog dahil sa tubig ng ilog nagiging mataba ang lupa kayat maaaring pagtaniman ito ng mga halaman na maaring ikabubuhay ng mga tao.

Ang Axum Bilang Sentro ng Kalakalan

Ang kaharian ng Axum ay sentro ng kalakalan noong 350 C.E. Malawak ang pakikipagkalakalan nito at sa katunayan, ito ay may pormal na kasunduan ng kalakalan sa mga Greek. Mga elepante, ivory (ngipin at pangil ng elepante), sungay ng rhinoceros, pabango, at pampalasa o rekado ang karaniwang kinakalakal sa Mediterranean at Indian Ocean. Kapalit nito, umaangkat ang Axum ng mga tela, salamin, tanso, bakal, at iba pa. Isang resulta ng malawakang kalakalan ng Axum ay ang pagtanggap nito ng Kristiyanismo. Naging opisyal na relihiyon ng kaharian ang Kristiyanismo noong 395 C.E.

Ang Imperyong Ghana

Ang Ghana ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. Sumibol ang isang malakas na estado sa rehiyong ito dulot ng lokasyon nito sa timog na dulo ng kalakalang Trans-Sahara. Nagkaroon sa Ghana ng malaking pamilihan ng iba’t ibang produkto tulad ng ivory, ostrich, feather, ebony, at ginto. Ang mga ito ay ipinagpalit ng mga katutubo sa asin, tanso, figs, dates, sandatang yari sa bakal, katad, at iba pang produktong wala sila. Malayang nakapagtatanim ang mga tao dulot ng matabang lupa sa malawak na kapatagan ng rehiyon. Ang pagkakaroon ng sapat na pagkain ay isang dahilan kung bakit lumaki ang populasyon dito. Sagana rin ang tubig upang punan ang pangangailangan sa mga kabahayan at sa irigasyon.

Ang Imperyong Mali

Ang Mali ang tagapagmana ng Ghana. Nagsimula ang Mali sa estado ng Kangaba, isa sa mahalagang outpost ng Imperyong Ghana. Ang pag-akyat ng Mali sa kapangyarihan ay sinimulan ni Sundiata Keita. Noong 1240, sinalakay niya at winakasan ang kapangyarihan ng Imperyong Ghana. Sa pamamagitan ng patuloy na pananalakay, ang Imperyong Mali ay lumawak pakanluran patungong lambak ng Senegal River at Gambia River, pasilangan patungong Timbuktu, at pahilaga patungong Sahara Desert. Hawak nito ang mga ruta ng kalakalan. Noong mamatay si Sundiata noong 1255, ang Imperyong Mali ang pinakamalaki at pinakamapangyarihan sa buong Kanlurang Sudan. Katulad ng Ghana, ang Imperyong Mali ay yumaman sa pamamagitan ng kalakalan. Nang mamuno si Mansa Musa noong 1312, higit pa niyang pinalawak ang teritoryo ng imperyo. Sa pagsapit ng 1325, ang malalaking lungsod pangkalakalan tulad ng Walata, Djenne, Timbuktu, at Gao ay naging bahagi ng Imperyong Mali. Maliban sa pagpapalawak ng imperyo, naging bantog din si Mansa Musa sa pagpapahalagang ibinigay niya sa karunungan. Nagpatayo siya ng mga mosque o pook-dasalan ng mga Muslim sa mga lungsod ng imperyo. Hinikayat niya ang mga iskolar na pumunta sa Mali. Sa panahon ng kaniyang paghahari, ang Gao, Timbuktu, at Djenne ay naging sentro ng karunungan at pananampalataya.

Migrasyon Austronesian

Magkaugnay ang sinaunang kasaysayan at kultura ng mga pulo ng Pacific at Timog-Silangang Asya. Ito ay dahil ang nandayuhan at nanahan sa dalawang rehiyong ito ay mga Austonesian. Ang Austronesian ay tumutukoy sa mga taong nagsasalita ng mga wikang nabibilang sa Austronesian o Malayo-Polynesian. Ito ang pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig.

Ang mga Pulo sa Pacific

Ang mga pulo sa Pacific o Pacific Islandsay nahahati sa tatlong malalaking pangkat – ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ang mga katawagang ito ay iginawad ng mga Kanluranin matapos nilang makita ang kaayusan ng mga pulo at ang anyo ng mga katutubo nito.

Micronesia

Ang maliliit na pulo at atoll ng Micronesia ay matatagpuan sa hilaga ng Melanesia at sa silangan ng Asya. Ang Micronesia ay binubuo ng Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands (ngayon ay Kiribati), at Nauru. Ang mga sinaunang pamayanan dito ay matatagpuan malapit sa mga lawa o dagat-dagatan. Ito ay upang madali para sa mga tao ang lumabas at maglayag sa karagatan. Itinatag nila ang kanilang mga pamayanan sa bahaging hindi gaanong tinatamaan ng bagyo o malalakas na ihip ng hangin. Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian.Nagtatanim sila ng taro, breadfruit, niyog, at pandan. Sagana ang mga ito sa asukal at starch na maaaring gawing harina. Pangingisda ang isa pang ikinabubuhay ng mga Micronesian. May kaalaman din sa paggawa ng simpleng palayok ang mga lipunan ng Marianas, Palau, at Yap.

Melanesia

Ang Melanesia ay matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng Australia. Ito ay kasalukyang binubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelago, Papua New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu (dating New Hebrides), New Caledonia, at Fiji Islands. Ang mga sinaunang pamayanan dito ay maaaring nasa baybaying-dagat o sa dakong loob pa. Pinamumunuan ito ng mga mandirigma. Tagumpay sa digmaan ang pangkaraniwang batayan ng pagpili sa pinuno. Sa maraming grupong Papuan, ang kultura ay hinubog ng mga alituntunin ng mga mandirigma tulad ng katapangan, karahasan, paghihiganti, at karangalan.


Aralin 3: Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon -Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval

Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan.

Noong mga unang taon ng Kristiyanismo, karaniwang tao lamang ang mga pinuno ng Simbahan na nakilala bilang mga presbyter na pinili ng mga mamamayan. Mula sa mga
ordinaryong taong ito lumitaw ang mga pari at mga hirarkiya. Isang diyosesis ang
kongregasyon ng mga Kristiyano sa bawat lungsod na pinamunuan ng Obispo. Nasa ilalim ng Obispo ang maraming pari sa iba’t ibang parokya sa lungsod. Nang lumaganap ang Kristiyanismo mula sa lungsod patungo sa mga lalawigan, sumangguni sa mga Obispo ang mga pari sa kanilang pamumuno. Sa ilalim ng pamumuno at
pamamahala ng Obispo, hindi lamang mga gawaing espiritwal ang pinangalagaan ng mga pari, kundi pinangasiwaan din nila ang gawaing pangkabuhayan, pang-edukasyon at pagkawanggawa ng Simbahan. Bukod dito, ang Obispo rin ang namamahala sa pagpapanatili ng kaayusan at katarungan sa lungsod at sa iba pang mga nasasakupan.

Uri ng Pamumuno sa Simbahan

Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas
ng pundasyon ng Simbahang Katoliko Romano at Kapapahan. Ilan lamang sa mahahalagang tao ng Simbahan at ang kanilang mga nagawa ang makikita sa talahanayan.

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_35ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_36.jpg

Pamumuno ng mga Monghe

Binubuo ang mga monghe ng isang pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay at nanirahan sa mga monasteryo upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina. Sila ang mga regular na kasapi ng mga pari at itinuturing na higit na matapat kaysa mga paring sekular. Tuwirang nasa ilalim lamang ng kontrol at pangangasiwa ng Abbot at Papa ang mga monghe. Namumuhay ang mga monghe sa ilalim ng mahigpit na mga alituntunin ng monasteryo. Dahil dito, malaki ang kanilangimpluwensya sa pamumuhay ng tao noong Panahong Medieval. Dahil sa kanilang paniniwalang “Ang pagtatrabaho at pagdarasal,” nagsikap sila sa paglinang at pagtanim sa mga lupain na nakapaligid sa kanilang mga monasteryo. Dahil dito, hindi lamang kapaki-pakinabang ang kanilang pagsisikap sa mga monasteryo, kundi higit pang nakaimpluwensya ito sa pag-unlad ng agrikultura sa buong Europe noong Panahong Medieval.

Unang Krusada

Ang unang Krusada ay binuo ng mga 3000 kabalyero at 12000 na mandirigma sa pamumuno ng Prinsipe at mga Pranses na nabibilang sa “nobility”. Matagumpay na nabawi ng grupong ito ang Jerusalem noong 1099 at nagtatag sila ng Estadong Krusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa Jerusalem, maraming Muslim ang napatay, pati na ang mga Hudyo at Kristyano. Nanatili sila ng mga limampung taon sa Jerusalem ngunit sinalakay din sila ng mga Muslim.

Ikalawang Krusada

Sa paghihikayat ni St Bernard ngClairvaux, sinamahan siya nina HaringLuis VII ng France at Emperor Conrad IIIng Germany. Maraming balakid nanaranasan ang grupong ito sa pagpuntasa Silangan at ang pinakatagumpay nila ay ang pagsakop ng Damascus.

Krusada ng mga Bata

Noong 1212 isang labin dalawang taong French na ang pangalan ay Stephenay naniwala na siya ay tinawag ni Kristo na mamuno ng krusada. Libong mga bata angsumunod sa kaniya ngunit karamihan sa kanila ay nagkasakit, nasawi sa karagatan at ang iba ay ipinagbili bilang alipin sa Alexandria.

Ikaapat na Krusada

Ang ikaapat na Krusada na inulunsad noong 1202 ay naging isang iskandalo. Ang mga krusador ay ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra na Kristiyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kaya sila ay idineklarang “excomunicado”. Nagpatuloy sa pagdarambong ang mga krusador hanggang sa Constantinople kungsaan nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261 sila ay napatalsik sa Constantinople at naibalik ang imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga Kristiyano sa Arce ay napasakamay ng mga Muslim at ito ay naging simula ng paghina ng Krusada.

Iba pang Krusada

Nagkaroon ng iba pang Krusada noong 1219, 1224, 1228 ngunit lahat ng mga ito ay naging bigo sa pagbawi muli sa Holy Land.Sa kabuuan, ang mga Krusada ay pawang bigo, maliban sa una na nahawakan nila ang Jerusalem sa loob ng isang daang taon at pagkatapos nito ay nanumbalik na naman sa kamay ng mga Turkong Muslim ang lupain.

Resulta ng Krusada

Kung mayroon mang magandang naidulot ang Krusada, ito ay sa larangan ng kalakalan. Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga lungsod at malalaking daungan. Ang kulturang Kristiyano ay napayaman din. Sa kabilang panig, ang krusada ay naglantad ng tunay na mga layunin ng mga sumama sa gawaing ito. Hindi pagmamalasakit sasimbahan ang naging dahilan sapagsama sa banal na laban na ito kundi ang pagkakataong makapaglakbay at mangalakal.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang kahalagahan ng Krusada sa kasaysayan ng daigdig?

Kaya ito ginanap dahil gusto ng mga tao na bawiin ang holy land sa israel o jerusalem dahil dito pinanganak si hesus kaya kailangan itong mabawi dati sa kamay ng mga muslim.

2. Sa kasalukuyan, anong pangayayari ang maikukumpara sa naganap na Krusada noong Panahong Medieval? Ipaliwanag

Yung mga giyera sa middle east, nagrereclaim sila ng teritoryo, hindi rin naman sa kanila, pero ang pagkakaiba, hindi sila kristiyano.

3. Anong aral ang natutuhan mo? Paano mo ito maiuugnay sa iyong pangaraw-araw na buhay?

Kase po nabubuhay kame ng aming pamilya dahil sa araw araw namin trabaho o pagsisikap.

Lipunan sa Panahong Piyudalismo

Nahahati sa tatlong pangkat anglipunang Europeo sa panahong Piyudalismo- ang mga pari, kabalyero o maharlikang sundalo at mga alipin (serf)

Mga Pari

Hindi itinuturing ang mga pari na natatanging sektor ng lipunan sa pagkat hindi namamana ang kanilang posisyon dahil hindi sila maaaring mag-asawa. Maaaring manggaling ang mga pari sa hanay ng maharlika, manggagawa at mga alipin.

Mga Kabalyero

Noong panahon ng kaguluhan kasunod ng pagkamatay ni Charlemagne, may matatapang at malalakas na kalalakihan na nagkusang loob na maglingkod sa mga hari at sa mga may-ari ng lupa upang iligtas ang mga ito sa mga mananakop. Dahil sa hindi umiiral ang paggamit ng salapi, ang magigiting na sundalo o kabalyero ang pinagkalooban ng mga kapirasong lupa bilang kapalit ng kanilang paglilingkod. Ang mga kabalyero ang unang uri ng mga maharlika, tulad ng mga panginoon ng lupa, na maaaring magpamana ng kanilang lupain.

Mga Serf

Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period. Nanatili silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka. Kaawa-awa ang buhay ng mga serf. Nakatira sila sa maliit at maruming silid na maaaring tirahan lamang ng hayop sa ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang panginoon nang walang bayad. Wala silang pagkakataon na umangat sa susunod na antas ng lipunan tulad ng maharlika at malayang tao.Makapag-aasawa lamang ang isang serf sa pahintulot ng kaniyang panginoon. Lahat ng kaniyang gamit, pati na ang kaniyang mga anak, ay itinuturing na pag-aari ng panginoon. Wala silang maaaring gawin na hindi nalalaman ng kanilang panginoon.

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang ipinapahiwatig ng pagkakaroon uring lipunan sa Sistemang Piyudalismo?

Ang sistemang piyudalismo ay ang pinagsamang sistemang pangmilitar at pampulitika kung saan mayroong may-ari ng lupain na ipinapatrabaho sa mga mga magsasakang naglilingkod sa kanya. Ipinahihiwatig ng sistemang ito, na dati pa ay mayroon ng diskriminasyon sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap lalung-lalo na sa pagmamay-ari at pangangalaga ng lupain.

2. Bakit mahalaga ang lupa sa Sistemang Piyudalismo? Ipaliwanag.

Para kumita ang mga hari kailangan nyang ipamahagi sa mga noble o tinatawag na knights ang kanyng mga lupa at ang mga Knights naman ay maghahanap ng mga Serf o Magsasaka para sakahan ang kanilang mga lupa at kumita ang mga Knights na siya namang ikakakita din ng Haring may ari ng mga lupa.

3. Sa kasalukuyan, umiiral pa ba ang Sistemang Piyudalismo?

Oo. dahil gaya ng sa pangkasalukuyan ngayun
ay mas mayaman parin ang bansang malago sa mga pilak at ginto pwede ring hindi kasi may mga bansang katulad ng indonesia na mayaman sa mga hilaw na gamit at mga pagkain.

Pagasasaka: Batayan ng Sistemang Manor

Ang Sistemang Manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito. Ang isang fief ay binubuo ng maraming manor na nakahiwalay sa isa’t isa. Ito ay maaaring maihalintulad sa isang pamayanan (village) kung saan angmga naninirahan dito ay umaasa ng kanilang ikabubuhay sa pagsasaka sa manor. Sakabilang dako ang kanilang panginoon ay dito rin umaasa sa kita ng pagsasaka samanor na kaniyang magiging kayamanan.

Paggamit ng Salapi

Sa unang mga taon ng Gitnang Panahon, ang sistema ng kalakalan ay palitan ng produkto o barter. Dinadala ng mga magbubukid o kaya ng “serf” ang mga produktong bukid o produktong gawa sa bahay sa mga lokal na pamilihan. Dito nagpapalitan ng produkto ang mga tao. Ang lokal na pamilihan ay nagaganap lamang bawat linggo sa malalawak na lugar malapit sa palasyo o simbahan.

Ang Paglitaw ng Burgis

Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya atpaglawak ng mga bayan, isangmakapangyarihang uri ng tao ang lumitaw. Sila ay tinatawag na burgis (men of burg o burgers o bourgeoisie). Ang interes ng grupong ito ay nasa kalakalan. Ang mataas na uri ng bourgeoisie ay ang mauunlad na negosyante at mga bangkero. Ang kanilang mga anak ay nag-aaral sa magagaling na unibersidad. Ang mgabourgeoisie ay ang nagiging gitnang uri at mababa ang pagtingin sa kanila ng panginoong piyudal dahil sa sila ay mga bagong yaman lamang.

Ang Guild System

Marami sa mga naninirahan sa bayan ay sumali sa guild. Ang guild sa samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay.

Ang Merchant Guild

Ang mga unang guild ay binalangkas ng mga mangangalakal. Nagpatayo sila ng mga bulwagang pinagdarausan ng pulong tungkol sa mga detalyeng kanilang negosyo. Kontrolado ng guild ng mga mangangalakal ang lahat ng kalakalan sa bayan. Maaari rin nilang hadlangan ang mga dayong mangangalakal sa pagnenegosyo sa kanilang bayan.

Ang Craft Guild

Nang lumaki ang mga bayan, ang mga artisan ay nagtatag ng sariling guild. Ang bawat craft o kasanayan ay may sariling guild. Halimbawa, ang mga karpintero, barbero, panadero, sastre, at iba pang hanapbuhay ay may sariling guild. Ang sinumang hindi kasapi sa isang guild ay hindi maaaring gumawa ng produkto na ginagawa ng nasabing guild.

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang kahalagahan ng mga pangyayari sa pag-usbong ng Europe noong Panahong Medieval sa kasalukuyan?

Isang pangyayaring nagbigay daan sa pagusbong ng Europa noong Panahong Medieval o Middle Ages ay ang pagbagsak ng Imperyo ng Roma at ang pagkakaroon ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katolika. Nagtuloy tuloy ang mga pagbabago at unti-unting umusbong muli ang kontinente at siyang tinawag bilang panahon ng Renaissance o muling pagkabuhay.

2. Paano nakatulong ang mga pangyayaring ito upang mapalaganap ang pandaigdigang kamalayan? Ipaliwanag

Gamit ang maiikling kwento ay nagkakaroon ng magandang view o pananaw ang taong nakakabasa nito at madalas ding mayroon silang nakukuhang magandang aral at kamalayan sa pook o lugar na binabangit sa kwento.

Leave a comment