Araling Panlipunan Grade 8 Quarter 1

Aralin 1

  • Nasusuri ang limang temang heograpikal bilang kasangkapan sa pag-unawa sa daigdig.
  • Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig.
  • Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, at mamamayan sa daigdig, kabilang ang lahi, pangkat-etniko, at relihiyon.

Aralin 2

  • Nasusuri ang kondisyong heograpikal sa panahon ng mga unang tao sa daigdig.
  • Naipaliliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig.
  • Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko.

Aralin 3

  • Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
  • Nasusuri ang pinagmulan at batayan ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
  • Nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala, at lipunan.
  • Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

Aralin 1: Heograpiya ng Daigdig

Sa iyong pag-aaral ng kasaysayan ng daigdig, malaki ang bahaging ginagampanan ng heograpiya sa paghubog ng pamumuhay ng tao mula pa noong sinaunang panahon. Sa pagbubukas ng bagong asignatura sa ikawalong grado, una mong pagtutuunan ng pansin ang pag-aaral ng heograpiya ng daigdig. Tatalakayin sa araling ito kung paano nakaaapekto ang heograpiya sa pamumuhay ng mga tao. Halina at simulang tuklasin ang pisikal at kultural na heograpiya ng daigdig.

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_1

Limang Tema ng Heograpiya

Lokasyon: Tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig

  • na may dalawang pamamaraan sa pagtukoy.

Lokasyong Absolute na gamit ang mga imahinasyong guhit tulad ng latitude line at longitude line na bumubuo sa grid. Ang pagkukrus ng dalawang guhit na ito ang tumutukoy sa eksaktong kinaroroonan ng isang lugar sa daigdig.

Relatibong Lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid nito. Halimbawa ang mga anyong lupa at tubig, at mga estrukturang gawa ng tao.

Lugar: Tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook

  • na may dalawang pamamaraan sa pagtukoy.

Katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa at tubig, at likas na yaman

Katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon, densidad o dami ng tao, kultura, at mga sistemang politikal.

Rehiyon: Bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultural

Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran: ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kaniyang kinaroroonan

Kapaligiran bilang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao; gayon din ang pakikiayon ng tao sa mga pagbabagong nagaganap sa kaniyang kapaligiran.

Paggalaw: ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar pa tungo sa ibang lugar; kabilang din dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin at ulan.

  • may tatlong uri ng distansiya ang isang lugar.

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_2.jpg

Longitude at Latitude

Sa pagtatakda ng lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa, mahalagang mabatid ang ilang termino at konseptong may malaking kaugnayan dito. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng longitude at latitude ng isang lugar, maaaring matukoy ang lokasyon nito sa globo o mapa sa paraang absolute, astronomical, o tiyak.

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_3.jpg

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_4.jpg

Ang Klima

Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay. Ang malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-ayang atmospera at sapat na sinag ng araw, init at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga halaman at hayop sa balat ng lupa. Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima sa daigdig ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude at gayon din sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at taas mula sa sea level.

Ang mga Kontinente

Tinatawag na kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay napapalibutan ng katubigan.

Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift Theory, dati ng magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente na Pangaea. Dahil sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato kung saan nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo ang kasalukuyang mga kontinente.

Karagdagan sa natutuhan mo tungkol sa mga kontinente ng daigdig, ipinaliliwanag sa ibaba ang mala-jigsaw puzzle na hugis ng South America at Africa, at ang bahaging ginagampanan ng daan-daang bulkan sa rehiyong tinatawag na Pacific Ring of Fire.

Kung susuriin ang isang mapa, mapapansing ang mga baybayin ng silangang bahagi ng South America at kanlurang bahagi ng Africa ay tila lapat at akma sa isa’t isa na parang mga piraso ng isang malaking jigsaw puzzle. Ito ay sa kadahilanang dating magkaugnay ang dalawang lupaing ito. Habang tumatagal, patuloy pa rin ang proseso ng paglawak ng karagatan sa pagitan nito at ang paglayo ng dalawang nasabing kontinente. Ang paliwang na ito ay batay sa Continental Drift Theory.

Karagdagan sa natutuhan mo tungkol sa mga kontinente ng daigdig, ipinaliliwanag sa ibaba ang mala-jigsaw puzzle na hugis ng South America at Africa, at ang bahaging ginagampanan ng daan-daang bulkan sa rehiyong tinatawag na Pacific Ring of Fire.

Ang malawakang hangganan ng Asya, North America, at South America ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire. Saklaw nito ang kanlurang hangganan ng South America at North America patungong hilaga sa Aleutian Islands ng Alaska, pababa sa silangang hangganan ng Asya hanggang New Zealand sa Timog Oceania. Tinatawag itong Ring of Fire dahil matindi ang pagputok ng bulkan at paglindol sa rehiyong ito bunga ng pag-uumpugan ng mga tectonic plate o tipak ng crust ng daigdig kung saan nakapatong ang mga naturang kontinente.

Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig

Tinatawag na topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon. Sa pagdaan ng panahon, ang mga tao ay natutong makiangkop sa kanilang kapaligiran. Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan ng daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga lambak ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa.

Wika

Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. May 7,105 buhay na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit 6,200,000,000 katao. Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ipinakikita sa talahanayan 1.6 ang ilan sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig.

Relihiyon

Mabibigyang-kahulugan ang relihiyon bilang kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos. Nagmula ito sa salitang religare na nangangahulugang “buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito.” Dahil sa mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon, ay nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.

Lahi/Pangkat-Etniko

Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang race o lahi na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayondin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat.Maramingeksperto ang bumuo ng ibat ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig, ngunitmarami rin ang nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaringmagpakita rin ito ng maraming diskriminasyon.


Aralin 2: Ang Mga sinaunang Tao

Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, nakita ang mga ninuno ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas. Sila ang homo species (homo na nangangahulugang tao) nagtagumpay makiayon sa kanilang kapaligiran at nagawang harapin ang mga hamon ng sitwasyon noong sinaunang panahon. May tatlong pangkat ng homo species na nabuhay sa daigdig at naging mga ninuno ng mga kasalukuyang tao. Pag-aralan ang diyagram tungkol sa Teorya ng Ebolusyon ng tao mula sa pagiging Ape hanggang sa paglitaw ng mga homo sapiens.

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_5.jpg

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_6.jpg

Mga Tanyag na Prehistorikong Tao

Ang Homo Sapiens ang pinakahuling species na ebolusyon ng tao, ang Homo sapiens
Neanderthalensis (circa 200,000 – 30,000 taon BP). Higit na malaki ang utak ng Homo sapiens kung ihahambing sa mga naunang species kaya nangangahulugan higit ang kanilang kakayahan sa pamumuhay at paggawa ng kagamitan. May mga patunay na may kaalaman ang Neanderthal sa paglilibing samantalang ang Cro-Magnon ay lumikha ng sining ng pagpipinta sa kuweba.

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_7.jpg

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_8

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_9.jpg

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_10.jpg


Aralin 3: Ang mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Impluwensiya ng Heograpiya sa Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan

Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya

Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso o “pagitan” at potamos o “ilog”. Samakatuwid, ang Mesopotamia ay nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog”. na inaakalang lunduyan ng unang kabihasnan. Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig. Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite na nagtangka ring sakupin ang lupaing ito. Sa paglipas ng mahabang panahon, iba’t ibang lungsod ang umusbong at bumagsak sa lugar na ito na nang lumaon ay pinalitan ng iba pang mga kabihasnan.

Heograpiya ng Mesopotamia

Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga ilog Tigris at Euphrates ang kauna-unahang mga lungsod sa daigdig, tinatawag na Mesopotamia ang lupaig matatagpuan sa pagitan ng mga ilog na ito. Sa kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi ng Syria at Turkey. Matatagpuan ang Mesopotamia sa rehiyon ng Fertile Crescent, isang paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang baybayin ng Mediterranean Sea. Ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik (silt). Dahil dito, nagiging mataba ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan kaya mahirap ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan din ito ng mga karatig lugar dahil na rin sa mga ugnayang pangkalakalan at tunggaliang militar.

Heograpiya ng Lambak ng Indus

Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Natagpuan ng mga arkeologo ang mga labi ng dalawang lungsod noong 1920 ang mga lugar na ito. Gayon din ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pagsisimula ng Sumer noong 3000 B.C.E. Mas malawak ang lupain sa Indus kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia. Sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India, at ang kinaroroonan ng lupaing Pakistan sa kasalukuyan. Ang mga lungsod na itio ay nagsimulang humina at bumagsak noong ikalawang milenyo B.C.E. Sa kasalukuya, tinatayang mahigit 1000 lungsod at pamayanan ang matatagpuan dito partikular sa rehiyon ng Indus River sa Pakistan.

Heograpiya ng Ilog Huang Ho

Tulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3000 milya. Dumadaloy ito patungong Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang Ito ay dumadaloy patungo sa Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang malawak na kapatagan, ang North China Plain. Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag ng North China Plain, madalas nang nagaganap ang pagbaha sa lugar na ito. Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbahang idinudulot ng Huang Ho. Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka. Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino. Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhongguo na nangangahulugang Middle Kingdom.

Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa

Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa Mesopotamia ay mas naunang nagsimula subalit masasabing mas naging matatag ang kabihasnang yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang isang estado pagsapit ng 3100 B.C.E. at nakapagpatuloy sa loob halos ng tatlong milenyo. Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan sa Egypt bago pa nagsimula ang kabihasnan sa Lambak ng Nile. Ang mga isinagawang paghuhukay sa Egypt ay patuloy na nagpabago sa pananaw ng mga iskolar tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan nito. Sa pagtatapos ng ika-20 siglo, natuklasan ng mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang tao sa timog-ng kanlurang bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan. Tinatayang naroroon na ang paninirahang bago pa sumapit 8000 B.C.E. Sinasabing maaaring ang mga kaanak o inapo ng mga taong ito ang nagpasimula sa kabihasnang Egyptian sa Lambak ng Nile.

Heograpiya ng Egypt

Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang tandaang ang tinutukoy na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egypt ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River na may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay dumadaloy mula katimugan patungong hilaga.

Ang Kabihasnan sa Mesoamerica

Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng mga mangangaso o ‘hunter” ang nandayuhan mula sa Asya patungong North America, libong taon na ang nakararaan. Unti-unting tinahak ng mga ito ang kanlurang baybayin ng North America patungong timog, at nakapagtatag ng mga kalat-kalat na pamayanan sa mga kontinente ng north America at South America. Noong ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa America — ang mga Olmec sa kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga gawaing sinimulan ng mga Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng America.

Heograpiya ng Mesoamerica

Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na nangangahulugang “gitna”. Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Ang Mesoamerica o Central America ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El Salvador. Sa hilagang hangganan nito matatagpuan ang mga ilog ng Panuco at Santiago. Samantala, ang katimugang hangganan ay mula sa baybayin ng Honduras sa Atlantic hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua sa Pacific at sa tangway ng Nicoya sa Costa River. Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador, at kanlurang bahagi ng Honduras.

Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito.Dito naitatag ang unang paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar na unang pinag-usbungan ng agrikultura, tulad ng Kanlurang Asya at China. Sa kasalukuyang panahon, may malaking populasyon ang rehiyong ito.

Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Sa itinatag na mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, ang pangkat ng mga taong nanirahan at nagtatag ng mauunlad na pamayanan sa Mesopotamia ang kauna-unahang nakapagtaguyod ng kabihasnan. Binubuo ang kabihasnang Mesopotamia ng mga lungsod-estado ng Sumer, at mga itinatag na imperyo ng Akkad, Babylonia, Assyria, at Chaldea.

Pamprosesong Tanong

1. Alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ng daigdig ang may malaking pagkakatulad sa isa’t isa?

Tinatawag na topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon.

2. Ano ang epekto ng mga katangiang heograpikal sa pamumuhay ng mga sinaunang tao?

Mahalagang pagtuunan ng pansin sa  pag-aaral tungkol sa Asya ang pag-aaral ng pisikal na katangian ng kapaligiran sapagkat malaki ang epekto nito sa kilos at gawain ng tao. Ito ay ang heograpiya. Ang bawat salik nito gaya ng kapaligirang pisikal (kinaroroonan, hugis, sukat, anyo, vegetation cover), ang iba’t-ibang anyong lupa at anyong tubig, klima, at likas na yaman ng isang lugar ay nakapagbigay impluwensya sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnan ng mga Asyano at patuloy na humuhubog sa kanilang kultura at kabuhayan.

3. Para sa iyo, alin sa mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ang nararapat na mapangalagaan?

Ang mga Kagubatan.

Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_11.jpg

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_12.jpg

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_13.jpg

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_14.jpg

Nanirahan sa maliliit na pamayanan ang mga Dravidian. Ang kanilang lugar ay matatagpuan sa mababang bahagi ng lupain, may mainit na klima at halos walang mapagkukunan ng suplay ng bakal. Ang pagkukulang sa mga kinakailangang suplay ay napupunan sa tulong ng pakikipagkalakalan hanggang sa katimugang Baluchistan sa kanlurang Pakistan. Sa loob ng ilang libong taon, nakakuha sila ng bakal, mamahaling bato, at tabla sa pakikipagpalitan ng kanilang mga produkto, tulad ng bulak, mga butil, at tela.

Ang irigasyon ng lupa ay mahalaga sa pagsasaka ng mga Dravidian. Nag-aalaga rin sila ng mga hayop tulad ng elepante, tupa, at kambing. Maaaring sila rin ang kauna-unahang taong nagtanim ng bulak at nakalikha ng damit mula rito. Mayroon din silang masistemang pamantayan para sa mga timbang at sukat ng butil at ginto. Samantala, ang mga artisano ay gumamit ng tanso, bronze, at ginto sa kanilang mga gawain.

Nagtatag ng mga daungan sa baybayin ng Arabian Sea. Ang mga mangangalakal ay naglakbay sa mga baybayin patungong Persian Gulf upang dalhin ang kanilang mga produkto tulad ng telang yari sa bulak, mga butil, turquoise, at ivory. Natagpuan din sa Sumer ang selyong Harappan na may pictogram na pictogram na representasyon ng isang bagay sa anyong larawan. Dahil dito, inaakalang ginamit ang selyong ito upang kilalanin ang mga paninda.Patunay lamang ang kalakalan sa pagitan ng dalawang kabihasnannoon pa mang 2300 B.C.E. Kapuna-punang wala ni isa mang pinuno mula sa sinaunang kabihasnang Indus ang kilala sa kasalukuyan. Maaaring hanggang ngayon ay hindi pa nauunawaan ng mga iskolar ang sistema ng pagsulat ng kabihasnang ito kaya hindi nababasa ang mga naiwang tala.

Ang Panahong Vedic (1500-500 B.C.E.)

Ang mga Aryan ay nagtungo sa kanluran ng Europe at timog-silangan ng Persia at India. Dinala nila sa mga rehiyong ito ang wikang tinatawag ngayong Indo-European. Ang Sanskrit, ang wikang klasikal ng panitikang Indian, ay nabibilang sa pamilya ng Indo-European. Ang mga makabagong wika tulad ng Hindi at Bengali ay nag-ugat din sa Indo-European. Ang salitang “Arya” ay nangangahulugang “marangal” sa wikang Sanskrit.Ginamit ito upang tukuyin ang mga pangkat ng tao o lahi. Ang kaalaman ukol sa unang milenyong pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at hilagang-kanlurang India ay hango sa apat na sagradong aklat na tinatawag na Vedas: ang Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda, at Atharva Veda. Ang Vedas ay tinipong himnong pandigma, mga sagradong rituwal, mga sawikain, at mga salaysay. Makikita sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan mula 1500 B.C.E. hanggang 500 B.C.E. na tinatawag ding panahong Vedic. Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga diyos (na kadalasan ay mga lalaki at mapandigma) at kulturang pinangingibabawan ng mga lalaki. Ngunit unti-unti rin silang umangkop sa kanilang bagong kapaligiran.Hindi na pagpapastol ang kanilang kabuhayan, natuto silang magsaka.Nakabuo rin sila ng sistema ng pagsulat. Pagsapit ng 1100 B.C.E.,tuluyang nasakop ng mga Aryan ang hilagang bahagi ng India.

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang dalawang lungsod na umunlad sa lambak-ilog ng Indus? Ilarawan ang mga ito.

Ang dalawang lungsod na kilala at umusbong mula sakabihasnang lambak at ilog ng Indus ay ang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa.Ang dalawang lungsod ay protektado at tinuturing na World Heritage Site ngUnited Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).

2. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga tao sa panahong Vedic?

Pagsasaka at pagpapastol ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa panahong vedic. Bukod dito, magaling din sila sa mga gawaing-kamay.

3. Ano ang iyong opinion tungkol sa pagpapangkat-pangkat ng mga tao sa India batay sa sistemang Caste? Ipaliwanag ang sagot.

Sa Indya, ang isang kasta sistema o caste system sa wikang Ingles,  nagsasagawa ng dibisyon ng lakas sa paggawa at kapangyarihan ng tao sa lipunan. Ito ay isang sistema ng panlipunang pagsasapin-sapin, at isang batayan para sa katig- kilos. Para sa akin, hindi ito makatarungan.

Pagbuo ng mga Kaharian at Imperyo (500 B.C.E.- 500 C.E.)

Mula sa kanilang orihinal na pamayanan sa rehiyonng Punjab, nagsimulang tunguhin ng mga Aryan ang bahaging pasilangan. Mga 600 B.C.E. noon at 16 pinakamakapangyarihang mga estado ay matatagpuan sa kapatagan ng hilagang India mula sa kasalukuyang Afghanistan hanggang Bangladesh. Kabilang dito ang Magadha, Kosala, Kuru, at Gandhara.

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_15.jpg

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_16.jpg

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_17.jpg

Imperyong Mogul

Pagkatatag

Itinatag ang Mogul nang masakop niBabur ang hilagang India at Delhi noong 1526.

Mahahalagang Pangyayari

Narating ng imperyo ang tugatog ng kapangyarihan sa ilalim ni Akbar na namuno sa kabuuan ng hilagang India mula 1556 hanggang 1605. Nagpatupad siya ng kalayaan sa pananampalataya at makatarungang pangangasiwa.

Ilan pang magagaling na pinuno ang humalili kay Akbar tulad nina Shah Jahan na nagpatayo ng Taj Mahal at Aurangzeb nagbawal ng sugal, alak, prostitusyon,at sati (suttee) o pagsunog ng buhay sa mga biyuda.

Pagbagsak

Sa pagsapit ng ikaanim na siglo C.E., nagsimulang humina at bumagsak ang Gupta sa kamay ng panibagong mananakop,ang mga White Hun, na maaaring mga Iranian o Turk mula sa Gitnang Asya

Labis na humina ang Mogul dahil na rin sa pagdating ng makapang-yarihang English sa India.

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang naging kontribusyon ng mga pinuno sa pag-unlad ng kanilang imperyo?

Sila ang nagsilbing gabay upang maging maunlad ang kanilang imperyo kaya malaki ang naging kontribusyon nila.

2. Paano bumagsak ang mga naturang imperyo sa Timog Asya?

Ang kadalasang dahilan ng pagbagsak ng isang imperyo ay ang pag-aalsa ng mga taong nasasakupan o di naman kaya ay dahil hindi na napangasiwaan ng mabuti ang kaharian. Naapektuhan ng labis ang pagkakaroon ng mahinang pamamahala ng isang pinuno. Ang katatagan ng kalakalan, pag-usbong ng ekonomiya at pag-unlad ng pamumuhay ng tao ay nagambala dahilan ng unti-unting pagbagsak nito.

Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

Ang mga natural na hadlang sa China tulad ng mga disyerto, bulubundukin, at dagat ang nagbigay-daan sa pagpapanatili ng natatanging kultura ng mga sinaunang Tsino at pag-unlad ng isang kabihasnang tumagal ng halos 3000 taon. Suriin ang kasunod na diyagram:

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_18.jpg

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_19.jpg

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_20ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_21ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_22

Kabihasnang Egyptian

Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh. Ang pharaoh ang tumayong pinuno at hari ng sinaunang Egypt at itinuring ding isang diyos na taglay ang mga lihim ng langit at lupa. Para sa mga pharaoh, sila ang tagapagtanggol sa kanilang nasasakupan. Sa pangkalahatan, maituturing na kontrolado ng isang pharaoh ang lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian. Kabilang sa kaniyang mga tungkulin ang pagsasaayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa kalakalan, pagtatakda ng mga batas, pagpapanatili ng hukbo, at pagtiyak sa kaayusan ng Egypt.

Unang Intermedyang Panahon

Ang tinatawag na Unang Intermedyang Panahon ay panahon ng Ikapito hanggang Ika-11 Dinastiya ng Egypt. Sa pagsapit ng 2160 B.C.E., tinangka ng mga panibagong pharaoh na pagbukluring muli ang Lower Egypt mula sa kabisera nitong Heracleopolis. Sa kabilang dako, ang kanilang mga katunggali sa Thebes ay binuo naman ang Upper Egypt. Dulot nito, nagsagupaan ang dalawang magkaribal na dinastiya sa Egypt. Ang mga pinuno mula sa Heracleopolis ay nagmula sa linya ng pharaoh na si Akhtoy samantalang ang unang apat na pinuno mula sa Thebes ay pinangalanang Inyotef o Antef.

Ikatlong Intermedyang Panahon

Ang Ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang Tanites, ay pinasimulan ni Smendes (1070-1044 B.C.E.) ng Lower Egypt. Ang dinastiyang ito ay napalitan ng mga hari mula sa Libya na nagpasimula naman sa Ika-22 Dinastiya. Ang unang pinuno nito ay si Shoshenq I (946-913 B.C.E.) na isang heneral sa ilalim ng nagdaang dinastiya. Sa mga panahong ito, maraming mga nagtutunggaliang pangkat ang nagnanais mapasakamay ang kapangyarihan. Humantong ito sa pagbuo ng Ika-23 Dinastiya. Sa paglisan sa Egypt, sa Sudan, isang prinsipe ang kumontrol sa Lower Nubia. Nang lumaon, isang nagngangalang Piye ang sumalakay pahilaga upang kalabanin ang mga naghahari sa Nile Delta. Umabot ang kaniyang kapangyarihan hanggang sa Memphis. Sumuko nang lumaon ang kaniyang katunggaling si Tefnakhte subalit pinayagan siyang mamuno sa Lower Egypt. Sinimulan niya ang Ika-24 na Dinastiya na hindi naman nagtagal.

Ang mga Kabihasnan sa Mesoamerica

Ang mga Pamayanang Nagsasaka (2000-1500 B.C.E.)

Maraming siglo muna ang lumipas sa pagitan ng pagsisimula ng pamumuhay sa mga pamayanan at pagkakaroon ng mga lipunang binuo ng estado sa Mesoamerica. Ang mga sinaunang tao ay nagtatanim ng mais at iba pang mga produkto sa matabang lupain ng Yucatan Peninsula at kasalukuyang Veracruz noon pa mang 3500 B.C.E. Sa pagsapit ng 1500 B.C.E., maraming taga-Mesoamerica ang nagsimulang manirahan sa mga pamayanan. Naidagdag din sa kanilang karaniwang kinakain ang isda at karne ng maiilap na hayop. Mababanaag na ang pagkakaroon ng politikal at panlipunang kaayusan sa Mesoamerica sa pagitan ng 2000 B.C.E. at 900 B.C.E. Sa maraming rehiyon, ang maliliit subalit makapangyarihang pamayanan ay nagkaroon ng mga pinuno. Nagkaroon din ng ilang mga angkang pinangibabawan ang aspektong pang-ekonomiya, pampolitika, at panrehiyon. Ang pinakakilala sa mga bagong tatag na lipunan ay ang Olmec.

Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa daigdig ay nag-iwan ng kani-kanilang mga pamana sa sangkatauhan. Ang mga ito ay nagpapakita ng kadakilaan, husay, at talento ng mga sinaunang tao sa iba’t ibang larangan at aspekto. Hindi natin napapansin subalit ang ilang mga bagay na ating ginagamit araw-araw ay maaaring mag-ugat sa malayong nakaraan. Gayundin, ang kasaysayan ng iba’t ibang kaisipan, pilosopiya, at relihiyon sa kasalukuyan ay maaaring tuntunin sa mga sinaunang kabihasnang ito.

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_23.jpg

ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_24ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_25ap8lmkasaysayanngdaigdigdraft3-150505011838-conversion-gate01_26

Pamprosesong Tanong

1. Ano-ano ang pamana/ambag ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig?

Maraming bagay ang naiambag ng mga sinaunang kabihasnan sa atin, lalo na sa pamamaraan ng pamumuhay nating lahat ngayon. Kagaya ng Paraan ng hudikatura at pagbibigay ng hustisya, Ang pagkalat ng relihiyon, Ang pagkakaroon ng sistema ng pamamahala, Agrikultural, kabilang na ang pangingisda, na
mga teknolohiya at, Pang-araw araw na mga kagamitan.

2. Ano ang kabuluhan ng mga nabanggit na ambag sa pamumuhay ng mga sinaunang taong nanirahan sa kani-kanilang kabihasnan?

Sa pamamagitan ng ambag ng mga sinaunang kabihasnan ay malalaman o magkakaroon ng mga kaalaman ang mga estudyante tungkol sa mga pinag usbungan ng mga kontribusyon ng  mga kabihasnan na mahalaga sa kasalukuyang panahon.

3. Bakit maituturing na dakilang pamana ang mga ambag na ito?

Maituturing na dakilang pamana ang mga ambag ng sinaunang kabihasnan dahil ang ating kasaysayan ay gabay din natin sa ating kaunlaran.

 

Leave a comment