Filipino Grade 9 – Quarter 4

Curriculum Guide

  • Pag-unawa sa Napakinggan
  • Pag-unawa sa Binasa
  • Paglinang ng Talasalitaan
  • Panonood
  • Pagsasalita
  • Pagsulat
  • Wika at Gramatika
  • Estratehiya sa Pag-aaral

Aralin 1:

Panimula

Ang Saudi Arabia ay isa sa mga bansa sa Timog Kanlurang Asya. Nakabatay ang kanilang kultura sa paniniwalang muslim o Islam. Nananampalataya sila na si Allah ang pangunahing Diyos at si Muhammad ang kanilang propetang nagpalaganap ng Islam. Ang mga lalaking Muslim ay pinapayagan mag-asawa hanggang apat kung kaya ng pamumuhay at kalagayan sa buhay. Ang ama ang pinakamakapangyarihan sa loob ng tahanan kaya itinuturing nila ang babae bilang mahina.

Pangangatuwiran

  • Ito ay isang papapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap – tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (- Badayos)
  • Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason. (- Arogante)
  • Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at magandang pananalita ay makatutulong upang mahikayat na pakinggan, tanggapin at paniniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran.
  • Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong dapat isaalang-alang o sundin upang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo na sa formal na pangangatwiran gaya ng debate.
  • Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring matamo ninuman subalit hindi sa paraang madali at sa maikling panahon lamang.

Dahilan ng Pangangatuwiran

  • Upang mabigyang – linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.
  • Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa kaniya.
  • Makapagbahagi ng kaniyang kaalaman sa ibang tao;
  • Makapagpahayag ng kaniyang saloobin
  • Mapanatili ang magandang relasyon sa kaniyang kapwa

Kasanayang Nalilinang sa Pangangatuwiran

  • Wasto at mabilis na pag-iisip
  • Lohikong paghahanay ng mga kaisipan
  • Maayos at mabisang pagsasalita
  • Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran
  • Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o pagpipigil ng sarili at pag- unawa sa mga karaniwang inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyahan.

Uri ng Pangangatuwiran

  • Pangangatuwirang Pabuod o Induktibo – nagsisimula sa mga halimbawa o partikular na kaisipan o katotohanan at nagtatapos sa pangkalahatang simulain o katotohanan.
  • Pangangatuwirang Pasaklaw o Dedaktibo – sinisimulan ang pangangatuwiran sa pamamagitan ng paglalahad ng pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o katotohanan at mula rito ay iisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga tiyak na pangyayari o katotohanan.

 

Leave a comment