Filipino Grade 9 – Quarter 3

Curriculum Guide

  • Pag-unawa sa Napakinggan
  • Pag-unawa sa Binasa
  • Paglinang ng Talasalitaan
  • Panonood
  • Pagsasalita
  • Pagsulat
  • Wika at Gramatika
  • Estratehiya sa Pag-aaral

Aralin 1:

Panimula

Samahan ninyo akong maglakbay sa Timog Asya, puntahan at alamin natin ang panitikan ng India.Tulad ng maraming bansa sa mundo,mayaman din ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng Epiko. Masasalamin sa kanilang mga naisulat ang kanilang mga pangarap, mithiin, paniniwala, kultura, at tradisyon.

Mayaman ang India sa kultura at paniniwala. Pinaniniwalaan ng bansang ito ang kagandahan, katotohanan, at kabutihan.Naniniwala sila na pinagpapala ng Diyos ang maganda at matalino at kumikilos nang ayon sa kanilang lipunan.Napakarami rin nilang mga tradisyon. Halos sa loob ng apat na libong taon ay tila hindi nagbago ang mga kinagisnang tradisyon ng mga Hindu. Ang mga ito ang pumukaw sa interes ng mga dayuhang manlalakbay.

May Dalawang Uri ng Paghahambing

  1. Pahambing o Komparatibo ginagamit kung naghahambing ng dalawang magkaibang antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, ideya , pangyayari, at iba pa.May dalawang uri ang kaantasang pahambing:
    • Paghahambing na magkatulad- Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping ka, magka, ga, sing, kasing, magsing, magkasing, at mga salitangparis, wangis/ kawangis, gaya, tulad, hawig/ kahawig, mistula, mukha/ kamukha.
      • ka- nangangahulugan ng kaisa o katulad
        Halimbawa: Ang Singapore ay dating kabilang sa Malaysia.

         

      • magka- nangangahulugan din ng kaisahan o pagkakatulad.

        Halimbawa: Magkamukha lamang ng kultura ang India at Singapore.

         

      • sing-(sin- /sim) gaya rin ng ka-, nagagamit ito sa lahat ng uri
        ng pagtutulad.
        Halimbawa: Magkasingganda ang India at Singapore.

         

      • kasing- (kasin- /kasim-) ang paggamit at kahulugan ay katulad din ng sing,(sin/sim). Pansining kapag ginamit sa pangungusap, ganito ang pattern ng pagkabuo: kasing + s.u + ng/ ni + pangngalan + si/ ang + pang.
        Halimbawa: Kasimbilis ng kidlat ang pagsulong ng bayang ito sapagkat sila ang sentro ng teknolohiya.
      • magsing-(magkasing-/magkasim) ang pinagtutulad ay napipisan sa paksa ng pangungusap.
        Halimbawa: Ang dalawang bansa ay magkasingyaman.

         

      • Ga/ gangga- nangangahulugan ng gaya, tulad, para,paris
        Halimbawa: Gamundo ang pagpapahalaga nila sa kalayaan sa wika at relihiyon upang magkaroon ng pagkakaisa.
    • Paghahambing na Di-Magkatulad kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap.

May dalawang uri ang hambingang di magkatulad:

  1. Hambingang Pasahol- May mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na inihahambing.Ginagamit ang mga sumusunod upang maipakita ang ganitong uri ng paghahambing.
    • Lalo – nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sa kulang na katangian. Sinusundan ito ng katuwang na panghambing na kaysa kay
      kung ngalang tao ang pinaghahambing, /kaysa / kaysa sa kung ngalang bagay / pangyayari.
    • Di-gasino – tulad ng .ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng mga tao. Sinusundan ito ng alinman sa mga katagang naghahambing, kabilang ang gaya,tulad, para o paris na sinusundan ng panandang ni.
    • Di-gaano – tulad ng- tulad din ng di-gasino subalit sa mga hambingang bagay lamang ginagamit.
    • Di-totoo- nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang uri. Nagagamit itong pamalit sa di-gasino at di-gaano.
  2.  Hambingang Palamang- may mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan. Naipakikita ito sa tulong ng sumusunod:
    • Lalo – Ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan at di kasahulan kung ang sinasamahang pang-uri ay nagpapahayag ng kalakhan, kataasan, kalabisan o kahigtan. Muli, katuwang nito ang kaysa/kaysa sa/kay.
      Halimbawa: Lalong maunlad ang isa kaysa sa isa.

       

    • Higit/mas…kaysa/kaysa sa/kay: sa sarili ay nagsasaad ng kalamangan kung ginagamit ito sa paghahambing.
      Halimbawa: Higit na malinis ang isa sa isa.

       

    • Labis-tulad din ng higit o mas
      Halimbawa: Labis ang kanilang pagmamahal sa bayan.

       

    • Di-hamak-kung ginagamit ay karaniwang isinusunod sa pang-uri
      Halimbawa: Di-hamak na mapuputi ang Singaporean sa nga Hindu.
  3. Modernisasyon/katamtaman: Naipakikita ito sa pag-uulit ng pang-uring may panlaping ma-, sa paggamit ng salitang medyo na sinusundan ng pang-uri ,sa paggamit ng katagang may na sinusundan ng pang-uring nabuo sa pamamagitan ng mga panlaping kabilaang ka-han.

 

Leave a comment