ESP Grade 9 – Quarter 4

Gabay Sa Kurikulum

Pamantayang Pangnilalaman

Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal-Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay

  • Talento
  • Kasanayan (skills)
  • Hilig
  • Pagpapahalaga –(service to and love of country)
  • Katayuang pinansyal
  • Mithiin

Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

Mga Lokal at Global na Demand

Paghahanda sa Minimithing Uri ng Pamumuhay


Aralin 1: Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal-Bokasyonal, Sining at Isports, Negosyo o Hanapbuhay

Inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

  • Nakikilala ang mga pagbabago sa kanyang talento, kasanayan, hilig, pagpapahalaga, katayuang pinansiyal at mithiin (mula Baitang 7) at naiuugnay ang mga ito sa pipiliing kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports, negosyo o hanapbuhay.
  • Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang mapaunlad ang talento at kakayahan ayon sa kanyang hilig at mithiin
  • Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin.
  • Natutukoy ang mga paghahandang gagawin upang makamit ang piniling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o negosyo o hanapbuhay.

Nasa unang hakbang ka ngayon ng pagpaplano n iyong kukuning kurso, ang Pagsusuring Pansarili (self-assessment). Binubuo ito ng pagtingin at pag-unawa sa iyong sarili. Maaari mong gamiting batayan upang malaman kung ikaw ay nasa tama o angkop na trabaho o kurso, o kung nasa ibang direksyon o linya ng trabaho ang nararapat sa iyo.

Pagtuunan mo naman nang malaking pansin ang mga pansariling salik sa pagpili ng tamang kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay ayon sa iyong:

  • Talento
  • Pagpapahalaga
  • Kasanayan (skills)
  • Katayuang pinansiyal
  • Hilig
  • Mithiin

Talento. Isang batang naging masaya sa kanyang mga pinagkakaabalahang interes mula sa kanyang mga natuklasang talento, pagguhit, pagsulat, pagsayaw at pakikisalamuha sa iba.

Kasanayan (Skills). Ang mga kasanayan o skills ay isa ring maituturing na mahalagang
salik sa paghahanda sa iyong pipiliing kurso. Ang mga kasanayang ating tinutukoy ay ang mga bagay kung saan tayo mahusay o magaling. Ito ay madalas na iniuugnay sa salitang abilidad, kakayahan (competency) o kahusayan (proficiency).

  • Kasanayan sa Pakikiharap sa mga Tao (People Skills) – nakikipagtulungan at nakikisama sa iba, magiliw, naglilingkod at nanghihikayat sa iba na kumilos, mag isip para sa iba.
  • Kasanayan sa mga Datos (Data Skills) – humahawak ng mga dokumento, datos, bilang, naglilista o nag-aayos ng mga files at ino-organisa ito, lumilikha ng mga sistemang nauukol sa mga trabahong inatang sa kanya
  • Kasanayan sa mga Bagay-bagay (Things Skills) – nagpapaandar, nagpapanatili o nagbubuo ng mga makina, inaayos ang mga kagamitan; nakauunawa at umaayos sa mga pisikal, kemikal at biyolohikong mga functions.
  • Kasanayan sa mga Ideya at Solusyon (Idea Skills) – lumulutas ng mga mahihirap at teknikal na bagay at nagpapahayag ng mga saloobin at damdamin sa malikhaing paraan.

Hilig. Nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo
at buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakakaramdam ng pagod o pagkabagot. Salungat dito ang mga gawain o bagay na ayaw mong gawin.

Pagpapahalaga. Tatlong larawan ng mga taong nagpamalas ng pagsisikap at pagmamahal sa kanilang trabaho at nagtagumpay dito. Kung hindi dahil sa ipinamalas na pagpupunyagi ay hindi makakamit ang tunay na kaganapan.

Katayuang Pinansiyal. Mahalagang isaalang-alang mo ang kasalukuyang kalagayan o ang kakayahang pinansyal ng iyong mga magulang.

Mithiin. Kalakip ng pagkamit ng mithiin sa buhay ay ang pagkakaroon ng matibay na personal na pahayag ng misyon sa buhay. Hindi lamang dapat umiral sa iyo ang hangaring magkaroon ng mga materyal na bagay at kaginhawaan sa buhay, kailangan ay isipin rin ang pakikibahagi para sa kabutihang panlahat.

Leave a comment