ESP Grade 9 – Quarter 3

Curriculum Guide

Mga Kaugnay na Pagpapahalaga sa Paggawa

  • Katarungang Panlipunan
  • Kagalingan sa Paggawa
  • Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa Naimpok
  • Pamamahala ng Paggamit ng Oras

Aralin 1: Katarungang Panlipunan

Inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

  • Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan
  • Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at mamamayan
  • Napatutunayan ang Batayang Konsepto
  • Natutugunan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon

Katarungang Panlipunan

Katarungan. Madalas mong naririnig ito sa mga rally kapag ipinaglalaban ang karapatan sa lupa o kaya sa balita tulad ng iyak ng isang inang pinagnakawan ng buhay ng anak. Katarungan ang sigaw kapag may inapi. Katarungan ang hinihingi kapag hindi patas ang turing sa tao.

Kung kawalang-katarungan ang pagpatay, ang buhay ay katarungan. Kung kawalang-katarungan ang pang-aagaw ng lupa, katarungan ang gumalang sa pagmamay-ari (ng
lupa).

Kung kawalang-katarungan ang pang-aapi, katarungan ang pagkalinga at paggalang sa dignidad ng tao.

Tao bilang Tao

Ang tao bilang binubuo ng katawan, pagnanasa, kasaysayan, mga layunin, at pangarap ay tinatawag ng sarili na ipunin ang mga naghahatakang puwersang ito upang manatiling isa at buo.

Ang katarungan sa sarili ay ang paglalagay sa ayos ng sarili. Iniipon at binubuo ng tao ang iba’t ibang salik at puwersang nagtutunggalian at humahatak sa kaniya na tumungo sa iba-ibang direksiyon.

Tao bilang Nasa Ugnayan

Subalit hindi lamang sarili ang tao. Bahagi rin ng kasarinlan ay ang pagiging nasa sa loob ako ng ugnayan. Salamat sa mga ugnayang ito dahil napupunan ng mga ugnayang kinapapalooban ng tao ang anumang pagkukulang at pangangailangan niyang hindi kayang likhain ng sarili.

Ang katarungang panlipunan ay ang pag-iingat sa sarili ng komunidad upang makagawa, makabuo, at makalikha. Kakailanganin sa katarungang panlipunan ang mga batas upang maingatan ang mga indibidwal na karapatan ng tao, ang pamahalaan upang masiguro ang patas na pagbabahagi ng yaman ng bansa, ang pulis upang magbantay sa kalayaan ng mga tao.

Katarungan

Ano ang katarungan? Sa halip na pag-usapan ang katarungan kapag nawawala na
ito, ang hamon ay makita ang katarungan na isang pagpapahalagang kailangang pagsikapang panatilihin sa bawat sandali. Katarungan ang tumawid sa tamang tawiran.
Katarungan ang maging malinis sa itinitindang pagkain.

 

Leave a comment